OFFICE TIPS
Most of us got stress when we have lots of work loads, hectic deadline schedules... everything is on our table and we don`t know which would be the first... but i think, this scenario is normal from time to time when your working in a company... right?... but what is more stress full when your in the office but nothing to do... correct!!! too hard to keep yourself busy in front of others and with your Boss for doing nothing... hehehe... yah, maybe to keep busy for nothing is quite tiring... nyahhha
I got some Office Tips when you have nothing to do in your office... sorry it`s in Tagalog. I`ll do the translation later... heehhe (just to keep me busy) ~_~
MGA TIPS KUNG WALA KANG MAGAWA SA OFFICE
- Huwag aabsent
- Huwag male-late
- Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.
- Pagkatapos mong mgakalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. MAGHANAP KA NG IPIS. Kung walang mahanap, tignan mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa laway mo.
- Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng �Oh! I am sorry but I will bring that to your office immediately.� Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali
- Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tignan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tignan kung baligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.
- Pagbalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintayin matapos ang Auto Scan. Marami ring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file�Isa pa�at isa pa uli�.!!! Pumunta sa ccmail, tiganan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa Grade One.
- Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.
- Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin.Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kamustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o ng pagtaas ng langis. Kamustahin din ang latest style ng kanyang damit pati kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong boss
- Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtaype ng 10 wpm.
- Tunguhin ang mga file na naipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili na sumasahod ng 35,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.
- Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department, makipagchikahan.
- Huwag mong titignan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo iyon lalo kang maiinip. Hayaan mong mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang na �time� na pala para umuwi.
- Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago, umuwi, dumaan ng CR. Tignan at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo...
i like this post! so helpful, lol! especially now that we are in the OFF PEAK season, i can really use some of these tips..