Change the things that can be change, accept those that cannot and have the wisdom to know the difference... for Life is always sum up in with three words " IT GOES ON"... Welcome to my Blog and thanks for dropping by!

AKO


Maitim, matangkad, payat... maganda ako... lalo na sa mata ng nanay ko.
Hindi ako matalino, hindi rin ako bobo... kong baga my laman din ang utak ko.
Marami akong kakilala, mga kaibigan ko lagpas din sa bilang ng daliri ng paa't kamay ko.
Hindi ako perpektong empleyado, hindi ko rin masabi kong huwaran ako
Basta ang alam ko, gumagawa ako para maging kapakipakinabang ako.
Hindi naman ako nag-aral para kumita ng husto o sobra kong hindi
maging makabuluhan din ang buhay ko dito sa mundo kasama ang ibang tao.
Hindi ako ang pinakamabuting anak dahil pasaway din ako.
Hindi ako ang pinakamabait na kapatid dahil minsan salbahi din ako
Hindi ako the best n kaibigan dahil may taglay din akong kabuktutan.
Marunong din akong magmahal at mamuhi. Tumawa at umiyak.
Totoo... marami pang kamalian at kapangitan sa pagkatao ko,
pero hindi ibig sabihin non wala na akong kwentang tao tulad ng
sinabi ng isang tao... dahil tulad mo, hindi ako perpekto...

f e R r y j H o i  – (February 24, 2011 at 9:51 AM)  

I like your post girl!!! very candid!! and true!!

sino kaaway mo!!!
alam mo naman!! kaaway mo kaaway ko!! nyahaha

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails